bucoy, sto domingo, siy: tres amores

Another of Fox Books’ pioneer offerings, Tres Amores is a 3-in1 book of romance in the city, written from three different feminine points-of-view – that of a high school student, a college student, and a working girl.

Accurately reflecting the angst and emotion of young love in a Filipino setting, the stories will touch a chord of recognition in all those who have ridden the roller-coaster of heartbreak and happiness.

With interesting illustrations by Kristian Teves, “isang ordinaryong college student ng Far Eastern University…isang tunay na loverboy”, this book is a must-add to your collection of contemporary Filipino stories.

About the authors:

Si Layeta Bucoy ay nagtapos ng AB Communication Arts sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños noong 1996 at ang kanyang MFA in Creative Writing sa De La Salle University noong 2003. Nagkamit siya ng gantimpala mula sa Palanca noong 1998 at 2007. Ang kanyang mga dula ay naitanghal na ng PETA, ng Cultural Center of the Philippines, at ng Saison Theater Program sa Tokyo, Japan. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng Humanidades sa UP Los Baños.

Si Ardee Sto Domingo ay nagtapos ng BS Electronics and Communications Engineering sa Technological University of the Philippines noong 2003. Mahilig magbasa at magsulat, kasalukuyan siyang head writer ng sikat na soap opera na mapapanood sa GMA.

Si Beverly Siy ay nagtapos ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino (cum laude) sa UP Diliman. Naging fellow na si Bebang sa UP at UST National Writers’ Workshops at naging aktibong bahagi ng pamunuan ng UP Writers’ Club at LIRA…noong Hulyo 2006, inilabas ang kanyang maikling kuwento bilang bahagi ng Hilakbot I, Loyola High, at City Lights, mga aklat na pang-adolescent. Sa Setyembre, lalabas na ang kanyang nobelang Mingaw.

taste more:

Leave a Reply